Inaasahan ang pagdating ng karagdagang pang personal protective equipment (PPE) para sa mga COVID-19 frontline workers ngayong linggo.
Ayon kay National Task Force for COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., kinakailangan nang mag-stock ng mga PPE dahil tiyak na hindi mawawala aniya ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) hangga’t wala pang bakunang nabubuo para rito.
Nasa kabuuang 3-milyong PPE aniya ang kanilang inaasahang darating.
Ang unang batch na 250,000 PPE ay darating umano sa bansa sa Mayo 18.
Ang isang set umano ng PPE na ang kalidad ay nasa ika-apat na lebel ay nagkakahalaga ng P1,800.