Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf ang patay habang pitong (7) sundalo naman ang sugatan matapos ang kanilang engkuwentro sa Patikul, Sulu kahapon.
Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana, Commander ng Joint Task Force Sulu, nakasagupa ng mga tropa ng 21st Infantry Batallion ang humigit kumulang pitumpung (70) bandido sa barangay Buhanginan.
Nangyari aniya ang engkuwentro sa gitna na rin ng nagpapatuloy na operasyon para sagipin ang mga nalalabing bihag ng Abu Sayyaf kabilang na ang dalawang babaeng pulis na dinukot noong nakalipas na linggo.
Batay sa report, agad umanong inilibing ang tatlong napatay na bandido na nakilala sa alyas Moktar, Julhadi at Surayb habang nagpapagaling na sa pagamutan ang mga sugatang sundalo.
(Ulat ni Jonathan Andal)