Sumuko ang tatlong miyembro ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Maguindanao.
Ayon kay Army 6th Infantry Division Chief Gen. Ciriliti Sobejana, sumuko ang naturang mga miyembro ng BIFF dahil sa takot na sila na ang isusunod na target ng gobyerno kasunod ng airstrike sa Liguasan Delta.
Kasama ring isinurender ng mga ito ang kanilang apat na assault rifles at isang calibre .50 caliber barret sniping rifle.
Dahil dito, umabot na sa 18 mga BIFF members ang sumuko sa militar simula noong Abril.