Tatlong (3) hinihinalang miyembro ng bandidong grupong Dawla Islamiyah – Maute ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng militar, Lanao del Sur police office at Philippine National Police – Special Action Force (PNP – SAF) sa bayan ng Piagapo sa Lanao del Sur.
Kinilala ang mga naarestong bandido na sina Apao Dimacalang, Ibrahim Alek Undi alyas ‘Brad Alexander’ at Jamal Ramal Berongan alyas ‘Mayor’.
Habang nakumpiska sa tatlo ang dalawang (2) kalibre 45 na mga baril.
Ayon sa mga otoridad, inamin ng mga naarestong bandido ang pagpatay sa tatlong sibilyan noong Disyembre 6 ng nakaraang taon bilang paghihiganti umano sa kanilang mga nasawing kaanak sa Marawi siege.