Nawawala ang tatlong mountaineer na umakyat sa Balatukan Trails sa Misamis Oriental.
Ayon sa Gingoog police, umakyat ng Mount Balatukan ang 13 mountaineers noong Biyernes, Enero 3.
Ngunit kahapon ay 10 lamang ang nakabalik sa Gingoog city.
Naniniwala ang mga otoridad na nawala ang mga ito matapos makaranas ng masamang panahon sa bundok.
Sa ngayon ay pinaghahanap ng mga tauhan ng Gingoog City Disaster Risk Reduction and Management Office at Philippine Army ang tatlong mountineers.