Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang 3 pasahero matapos masira ang bangkang kanilang sinasakyan sa bahagi ng Capones Island, San Antonio, Zambales.
Sa nakuhang impormasyon ng mga otoridad, pabalik na sana ng Noveleta, Cavite ang mga pasahero mula sa Mariveles Bataan nang magkaroon ng aberya ang bangkang kanilang sinasakyan.
Ayon sa mga otoridad, nadatnan nilang palutang-lutang ang mga pasahero makaraang tangayin ng malakas na alon dahil sa bagyong Lannie.
Nagsasagawa na ngayon ng search and rescue operations ang PCG sa naturang lugar habang inabisuhan nadin ang mga residente at mga mangingisda kaugnay sa insidente.
Sa ngayon nasa maayos na kondisyon na ang 3 pasahero. — Sa panulat ni Angelica Doctolero