Tatlo na ang nasawi sa flashflood dulot ng malakas na ulang dala ng habagat.
Kinilala ang mga nasawi na sina Gloria Mendoza at Gregorio Quilaton, residente ng Quezon City at Dioscoro Camacho ng barangay Nangka, Marikina City.
Ayon sa Quezon City Police District, nalunod si Mendoza sa isang estero sa PV Kalaw sa Tierra Pura Homes, barangay Culiat habang narekober ang bangkay ni Quilaton sa Sto. Domingo Avenue, barangay Sto. Domingo.
Nakita namang palutang-lutang si Camacho sa Marikina River malapit sa Miraflores Street sa barangay Concepcion Uno, kahapon.
Samantala, nasa limandaan tatlumpu’t dalawang libong (532,000) pamilya o 2.3 milyong katao na ang apektado ng pagbaha sa mahigit isanlibo walundaang (1,800) barangay sa Regions 1, 3, Calabarzon, Mimaropa, 6, CAR at NCR.
Tinaya naman ng NDRRMC sa 88,000 pamilya o tatlundaan walumpu’t dalawang libong (382,000) katao ang nagsilikas.
Siyamnaraan pitumpu’t walong (978) lugar sa Regions 1, 3, Calabarzon, Mimaropa, 6, 10, CAR at NCR ang binaha kung saan dalawandaan pitumpu’t walo (278) ang nananatiling lubog sa tubig.
Storm surge sa Cavite
Samantala, halos 300 residente matapos ang storm surge Noveleta, Cavite bunsod ng malakas na ulan, simula pa noong Biyernes ng gabi.
Ayon kay Noveleta Mayor Dino Reyes Chua, kabilang sa mga apektado ang mga residente ng barangay San Rafael 3 at San Rafael 4.
Agad anyang namahagi relief goods sa mga evacuation site at coastal barangay.
Samantala, nasa maayos ng kondisyon ang isang 13-anyos na babae ang nakuryente habang lumulusong sa baha sa barangay Amaya 5, Tanza.
Nalubog din sa baha ang Cavite City partikular sa Sangley Point, barangay San Antonio at bayan ng Rosario.
—-