Patay ang tatlong indibidwal sa magkakahiwalay na pag-atake sa Afghanistan.
Ayon sa Kabul police, sa unang insidente, biglang sumabog ang isang armored vehicle sa hilagang bahagi ng Kabul kung saan maliban sa mga nasawi ay dalawang iba pa ang nasugatan.
Samantala, dead on the spot naman ang isang government prosecutor makaraang pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang salarin sa eastern Kabul.
Wala pang grupong umako sa mga naturang pag-atake.