Nasagip na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong nawawalang mangingisdang sakay ng motorbanca sa bahagi ng Benham Rise sa Pandan, Catanduanes.
Matapos ang apat na oras na search and rescue operations, natagpuan ng PCG ang mga mangingisdang sakay ng F-Bca Benedict Uno.
Nasa maayos namang kondisyon ang tatlo na kinilalang sina Romeo Bernardo, 59 anyos; Freddie Lubiano, 54 at Glen Lopez, 44 anyos.
Ayon sa kapitan ng bangka na si Lubiano, pumalya ang makina ng kanilang sasakyan habang patungo ng Barangay Napo sa Bayan ng Pandan matapos mangisda sa bahagi ng Benham Rise.
Hinila naman ng PCG ang nasabing bangka patungong Barangay Del Norte upang isailalim sa repair. —sa panulat ni Drew Nacino