Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice ng kasong tax evasion ang tatlong negosyante sa lungsod ng Marikina at Antipolo City, dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.
Nahaharap sa kaso sina Joselito Ladaban na may negosyong kinalaman sa oil product sa Marikina dahil sa hindi nabayarang 27 Million Peso Income at Expanded Withholding Taxes at Compromise Penalty noong 2008.
Aabot naman sa 14.1 Million Pesos ang tax liability ng woodcraft at kitchenware owner sa Marikina na si Martin Rodriguez noong 2010 kasama na ang income tax at vat.
Hinahabol din ng BIR si Dennis Sumayang na nasa construction business sa Antipolo City dahil sa utang na 11.9 Million Peso income tax at VAT noong 2010.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE