Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Nigerian na sangkot umano sa “Love scam.”
Ayon kay Immigration Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., nasa 27-anyos hanggang 41-anyos ang edad ng mga dayuhan kung saan, kanilang tinatarget ang mga Pilipino.
Kabilang sa mga nabiktima ang tatlong babaeng Pinoy na nakilala lang online at nanghihingi ng malaking halaga ng pera.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang ginagawang aktibidad ng mga suspek na gumagamit pa umano ng maraming pangalan para makapang biktima.
Nahaharap ngayon sa deportasyon dahil sa Overstaying, misrepresentation, at sa pagiging Undesirable Alien ang mga dayuhang suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero