Ipinasara na ng Germany ang tatlo sa anim nitong nuclear plants.
Ang pag-phase out sa nuclear power at paglipat sa renewable energy ay unang sinimulan sa pamumuno ni dating Chancellor Gerhard Schroeder noong 2002.
Ngunit ang desisyon na i-extend ang operasyon ng mga planta ay binaliktad ng bagong chancellor na si Angela Merker matapos ang 2011 Fukushima disaster sa Japan kung saan ngayong 2022 ang itinakdang final deadline sa pagsasara ng mga ito.
Unang binuksan ang tatlong reactors sa Germany noong 1980s kung saan dito umasa ng power supply ang milyun-milyong German households sa loob ng halos 40 taon.