Tinangay ng isang miyembro ng ‘salisi gang’ ang nasa P98,000 halaga ng pera mula sa tatlong Overseas Filipino Workers o OFW na kauuwi lang sa bansa galing Kuwait.
Kinilala ng Pasay City Police ang suspek na si Gabriel Ruth.
Batay sa report ng tatlong OFW, nilapitan sila ng suspek pagkadating nila sa NAIA at inalok sila nito na magsama sa hotel upang doon magpalipas ng gabi.
Matapos nito ay nagyaya umano ang suspek na kumain sa labas ngunit ng umoorder na umano sila ay nagpaalam ito na magwi-withdraw ng pera.
Dito na anila tumakas ang suspek dala ang susi ng hotel at tinangay lahat ng dala nilang pera, cellphones at mga pasalubong.
Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang nasabing suspek.
—-