Patay ang tatlong (3) OFW o Overseas Filipino Worker sa Saipan matapos makalanghap ng toxic fumes sa septic tank.
Kinilala ng mga otoridad ang dalawa sa mga biktima na sina Amid Tapon, 41 taong gulang at Ricky Quijano, 47 taong gulang, kapwa empleyado ng USA Fanther Corporation.
Ayon sa report ng Department of Fire and Emergency Medical Services ng Saipan, nangyari ang insidente nang pumasok si Quijano sa 24 na talampakang lalim ng septic tank kung saan ito nawalan ng malay at tinangka namang sagipin ni Tapon at isa pang OFW na kalaunan ay nawalan din ng malay.
Hindi na umabot ng buhay ang tatlong OFW nang isinugod sa ospital matapos makuha ang mga ito sa septic tank.
Inako ng employer ang lahat ng gastusin maging ang pagpapalibing sa mga biktima.
Makakatanggap naman mula sa OWWA o Overseas Workers Welfare Administration ng tig-dalawandaang libong piso (P200,000.00) ang pamilya ng mga nasabing OFW bukod pa sa education assistance sa kanilang mga anak.
- Judith Estarada – Larino
3 OFW sa Saipan patay sa toxic gas mula sa septic tank was last modified: July 28th, 2017 by DWIZ 882