Naresolba na ang kaso na idinulog sa tanggapan ng POLO o Philippine Overseas Labor Office sa Hong Kong kaugnay sa muntik nang pagkaka-terminate o pagkakatanggal sa trabaho ng tatlong overseas Filipino workers o OFWs na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay POLO Hong Kong labor attachè Melchor Dizon, nang matanggap nila ang mga reklamo ay kaagad nilang tinawagan ang mga employer ng tatlong OFW.
Aniya, nakarating sa gobyerno ng Hong Kong ang nasabing problema, kaya’t kaagad silang nagpadala ng official communication sa Philippine Consulate General, upang tiyakin sa pamahalaan ng Pilipinas na tutulong sila sa pagresolba ng kasong ito.
Nagbigay rin ng warning ang Hong Kong government sa mga employer na isang paglabag sa employment ordinance ang pag-terminate sa mga worker na tinamaan ng COVID-19.—mula sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)