Sinibak sa tungkulin ang 3 opisyal ng PNP Aviation Security Group sa gitna na rin ng kontrobersya hinggil sa tanim-bala.
Kabilang sa sinibak ang hepe ng AVSEGROUP sa Metro Manila na si Senior Supt. Ricardo Layug.
Ayon kay AVSEGROUP Director Chief Supt. Francisco Balagtas, tinututukan nila ang posibleng sabwatan ng ilang miyembro ng kanilang unit sa Metro Manila sa laglag-bala extortionists.
Nais ding tutukan ng AVSEGROUP ang 51 kasong isinampa ngayong taon gayung 139 na bala ang itinurn over sa pulis ng DOTC-OTS o Office for Transportation Security.
OTS personnels
Samantala, ni-relieve ng OTS o Office for Transportation Security ang 15 tauhan nito habang iniimbestigahan pa ang umano’y pagkakadawit ng mga ito sa laglag bala scheme.
Kabilang sa mga ni-relieve ayon kay OTS Deputy Administrator Roberto Villanueva sina Marvin Garcia at Maria Elma Cena na nag-screen sa bagahe ng 20-anyos na American tourist na si Michael White.
Una nang ibinunyag ng kampo ni White na tinangka siyang hingan ng P30,000 ng mga nasabing OTS personnel.
Una nang bumuo ng Task Force TALABA o tanim-laglag bala para imbestigahan ang kontrobersya na nangyayari sa NAIA.
By Judith Larino