Muli na namang nagpatupad ng panibagong balasahan sa hanay ng Philippine National Police (PNP) bunsod na rin ng pagreretiro ng ilang matataas na opisyal nito.
Kabilang sa mga napasama sa rigudon si P/BGen. Romeo Caramat Jr ng PNP Drug Enforcement Group at siyang nasa likod ng pagkakasabat sa mahigit P8 bilyong halaga ng shabu sa Bulacan at Cavite nuong Hunyo.
Itatalaga si Caramat sa Police Regional Office 13 ( CARAGA PNP) bilang Regional Director kapalit ng magreretiro nang si P/BGen. Joselito Esquivel sa Huwebes, Setyembre a-17.
Papalit naman kay Caramat bilang Direktor ng PNP DEG si P/BGen. Armand De Leon na nagmula sa Police Regional Office 11 (Davao Region PNP).
Habang si P/Col. Lorenzo Deltran ang papalit sa lilisaning puwesto ni De Leon sa Davao region PNP mula sa Police Regional Office 4B o MIMAROPA kung saan siya nanggaling.