Tatlong opisyal sa lungsod ng Maynila ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Hindi naman tinukoy ni Manila Mayor Isko Moreno kung sino-sino ang mga naturang opisyal na kinabibilangan ng dalawang department heads at isang konsehal.
Dahil dito patuloy ang paalala ni Moreno sa mga taga Maynila na mag-ingat at palagiang sumunod sa health protocols tulad nang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at pag-obserba sa physical distancing.