Pawang happy at hot mommas na ang tatlo sa mga orihinal na miyembro ng Viva Hot Babes
Sa kanilang paglabas sa morning show ni Kapuso actress Marian Rivera ibinida nina Maui Taylor, Andrea del Rosario at Sheree ang kani kanilang experience bilang mga nanay na anila’y pare pareho nilang ini enjoy ng bongga!
Ayon kay Mauia masaya at very rewarding ang maging hands on mommy sa anak na si Anton Miguel na aniya’y nagpapawala ng kaniyang pagod
Sinabi naman ni Andrea na natutuwa siya dahil hindi lamang para sa sarili niya siya nabubuhay kundi para na rin sa kaniyang anak na itinuturing niya aniyang best friend sa buhay
Ipinabatid naman ni Sheree na tila hindi susunod sa yapak niyang mag showbiz ang anak na si Gian Hailey na aniya’y mahilig mag aral at nais maging piloto
By: Judith Larino