Tatlo sa kada 10 ang tiyansang tuluyang tumakbo sa pagka-Pangulo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ito ang pagtaya ng political analysts kasunod nang tinatawag na substitution na uubra pa hanggang sa December 10.
Magugunitang naghintay ang maraming supporters ni Duterte sa Commission on Elections (COMELEC) noong Biyernes, huling araw ng filing ng COC sa pag-asang magbabago ang isip ng alkalde at papalaot na sa 2016 presidential elections subalit walang dumating na Duterte hanggang alas-5:00 ng hapon.
By Judith Larino