Kumpirmadong nakalaya na ang tatlo (3) sa pitong (7) sentensyado sa pagpatay sa Chiong sisters sa Cebu.
Kinumpirma ito ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon sa pagtatanong ni Senador Panfilo Lacson.
Gayunman, ang release order para kina Josman Aznar, Alberto Canio at Ariel Balansag ay nilagdaan ni Supt. Maria Fe R. Marquez para kay Faeldon.
Ang release order para sa kina Aznar, Canio at Balansag ay parehong-pareho ng release order para kay dating Calauan mayor Antonio Sanchez maliban sa petsa at sa pirma mismo ni Faeldon.
Inaantabayanan na ang isasagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa kuwestiyunableng pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Basahin ang buong istorya: https://t.co/IeCdf4koPt pic.twitter.com/XxWfIEFM0P
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 2, 2019
Gayunman, nanindigan si Faeldon na hindi sya naglabas ng release order para kay Sanchez.
Sinabi ni Faeldon na ang nilagdaan niya ay memorandum na ituloy ang proseso para maisama si Sanchez sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) subalit binawi nya ito matapos magkaroon ng kontrobersya.