Nakapagtala ng tatlong pagsabog ng Phreatomagmatic Burst sa main crater ng Taal Volcano kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang pagsabog alas-8:11 ng umaga, alas-8:17 ng gabi at alas-8:34 ng gabi at tumagal ng isa hanggang limang minuto base sa mga seismic signal nito.
Sa naging thermal camera monitoring ng PHIVOLCS, nakapagtala ng 200 meters hanggang 1,500 meters ang plume o usok mula sa crater ng bulkang Taal.
Sa ngayon, mayroon nang anim na Phreatomagmatic Burst na naitala mula noong Nobyembre 15 hanggang kahapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero