Matapos tumama sa Hilagang Luzon ang bagsik ng bagyong lando, nagbabala ang pagasa na tatlong bagyo pa ang inaasahang papasok sa bansa bago matapos ang taon.
Gayunman, ipinaliwanag ng State Weather Bureau na hindi pa sigurado kung tatama sa kalupaan ang mga naturang bagyo.
Kasalukuyan nang nararamdaman ang epekto ng El Niño kaya’t kung may daraan pang bagyo ay makatutulong umano ito upang maibsan ang matinding tagtuyot na nararanasan sa bansa.
Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng hanggang sa Hunyo pa ng susunod na taon ang pag-iral ng El Niño.
By Jelbert Perdez