Aprubado na ng Department of Foreign Affairs o DFA ang application ng Amerika, Japan at South Korea para magsagawa ng scientific research sa Benham o Philippine Rise.
Ipinabatid ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos sundin ng mga nasabing bansa ang mga itinakdang requirement ng Pilipinas.
Sinabi ni Roque na ang hakbang ay patunay na hindi lamang China ang pinapaboran ng administrasyong Duterte para magsulong ng scientific research sa Benham Rise.
Kasabay nito nilinaw ni Roque na hindi na kailangang kumuha ng permit ng mga Pilipinong nais magsagawa ng research sa nasabing area.
—-