Buhay pa ang 3 dayuhang bihag ng Abu Sayyaf Group (ASG).
Ito, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ay kahit paso na ang deadline na ibinigay ng ASG para makapagbayad ng P300 milyong pisong ransom.
Ginawa ng DFA ang pahayag matapos makumpirma na pinugutan ng ASG ang Canadian na si John Ridsdel.
Ayon sa ahensya, hawak pa rin ng bandidong grupo ang iba pang biktima na sina Canadian Robert Hall, Norwegian Kjartan Sekkingstad at Filipina Marites Flor na dinukot ng mga ito sa Samal, Davao del Norte.
By Jelbert Perdez