Tatlo pang kasong sibil ang nakatakdang isampa ng PAO o Public Attorney’s Office laban sa mga nasa likod ng pagbili at pagpapabakuna ng Dengvaxia sa mahigit 800,000 mga bata.
Ayon kay Atty. Percida Rueda Acosta, hepe ng PAO, kasama ito ng anim pang kasong sibil na nauna na nilang naisampa at siyam na kasong kriminal.
Sa ngayon aniya ay gumugulong na ang preliminary investigation ng Department of Justice sa mga kasong kriminal na kanilang isinampa laban sa Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin, dating Budget Secretary Florencio Abad at iba pa.
Sa ngayon ay umabot na aniya sa 57 ang naisagawa nilang otopsiya sa labi ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia,
Itong 57 na ito, hindi na po biro at may nakapila pa po, dalawa pa po ang naka-schedule na susunod, hindi naman kami makahinto dahil hindi naman binabawi ng DOJ ang kautusan sa amin na tulungan natin ang biktima. Pahayag ni Acosta