Tatlo pang mahistrado ng Supreme Court ang handang tumestigo laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa impeachment nito.
Gayunman, hindi pinangalanan ni Atty. Larry Gadon kung sino ang mga senior associate justice na nais umanong iligtas ang hudikatura.
Ayon kay Gadon, handa ang mga nasabing mahistrado na boluntaryong tumestigo kung hindi sila iimbitahan sa sandaling magsimula ang impeachment proceedings sa kamara hinggil sa substance ng complaint.
Dahil dito, anim ng mahistrado ang handang tumestigo laban kay sereno kaugnay sa mga anomalya umanong kinasasangkutan nito tulad ng sinasabing pagbili ng isang luxury vehicle na nagkakahalaga ng 8 million pesos.