Gagamitin na rin bilang mega community quarantine centers para sa mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients sa Metro Manila ang Quezon Memorial Circle, Ynares Sports Arena at Cuneta Astrodome.
Ito ay batay sa isinumiteng report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso hinggil sa pagtugon ng pamahalaan sa nararanasang krisis dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay pangulong duterte, inihahanda na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at bases conversion and development authority ang pag-aayos sa nabanggit na tatlong lugar.
Sa kasalukuyan, mayroon nang labing isang mega community quarantine centers sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at iba pang siyudad sa bansa tulad ng davao city na pinangangasiwaan ng mga medical teams ng PNP, AFP, Philippine Coast Guard at BFP.
Inilatag ang mga ito sa pagtutulungan na rin ng pribadong sektor at local government units.