Kinumpirma ng isang opisyal ng militar sa Lanao Del Sur ang pagsuko ng tatlong hinihinalang ISIS-influenced Maute group, isang taon matapos mabawi mula sa teroristang grupo ang Marawi City.
Ayon kay Lieutenant Colonel Edgar Villanueva, 49th infantry battalion commander, ang tatlong hindi pinangalan ang lalaki ay sumurender sa tulong ng mga lokal na opisyal.
Sinasabing isinuko rin ng mga suspek ang isang Rocket-Propelled Grenade o RPG isang caliber .45 handgun, mga magasin, at mga bala.
Pahayag ni Villanueva, na-recruit ang tatlo sa kasagsagan ng giyera sa Marawi pero hindi naisabak sa bakbakan ang mga ito dahil sa matinding seguridad na ipinatutupad ng mga awtoridad at mga inilatag na checkpoints sa paligid ng Lanao Lake.