Nakapagtala ng 3 pang phreatomagmatic burst sa main crater ng Taal volcano, sa Batangas, sa nakalipas na 24-hour monitoring period.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala rin ng 8 volcanic earthquakes, kabilang ang volcanic tremor, na tumagal ng 5 minuto.
Nagbuga rin ito ng plumes na aabot ng 400 hanggang 800 meters ang taas at kabuuang 4273 tonelada ng sulfur dioxide.
Nagbabala naman ang ahensya sa posibleng panganib gayong nakataas pa rin ang alert level 3 sa taal, kabilang ang biglaang pagsabog, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, ashfall, at accumulation ng lethal volcanic gas.