Tatlo (3) pang presidential appointees ang pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at posibleng mapasama sa mga susunod na sisibakin sa tungkulin.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kumikilos si pangulong Duterte at hindi binabalewala ang mga natatanggap na reklamo ng kanyang tanggapan.
Tiniyak pa ni Roque na nagsisiyasat si Pangulong Duterte at nagtatalaga ng mga tao na mag-iimbestiga sa reklamo bago nito iniuutos ang pag-anunsyo sa mga tatanggaling opisyal.
Matatandaang, huling sinibak ni Pangulong Duterte sa tungkulin ay sina Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Marcial Amaro III at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Chairman Terry Ridon dahil sa mga umano’y junket trip.
Bukod dito, inanunsyo din ni Roque ang nakatakdang pagpapasibak ng Pangulo sa hindi bababa sa tatlongpung (30) mga pulis.