Nadagdagan pang muli ng tatlo ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa datos ng PNP Public Information Office, mula sa 902 na ini-ulat ni PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa kahapon, nadagdagan pa ito ng tatlo kagabi kaya’t pumalo na sa 905 ang bilang nito.
Ayon sa pnp, tig-dalawa sa mga bagong kaso ay buhat sa National Capital Region Police Office (NCRPO) gayundin sa Police Regional Office 7 o Central Visayas PNP.
Habang tig-isa naman ang naitala sa national headquarters sa Kampo Crame, Quezon City gayundin naman sa Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region.
Magugunitang kinumpirma ng PNP chief kahapon na isa sa mga pulis na sangkot sa pamamaril at pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu ay nagpositibo sa COVID-19.
Samantala, nasa 418 na ang bilang ng mga recoveries sa COVID-19 sa PNP habang nananatili naman sa siyam ang bilang ng mga nasawi.