Inihayag ni National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na ilalagay narin sa ilalim ng Alert level 1 ang tatlo pang rehiyon sa bansa na kinabibilangan ng Region 1, 2 at 6.
Ayon kay Cabotaje, nakamit na ang target na 70% ng eligible population sa lahat ng mga probinsiya at lungsod sa buong Region 1.
Tumaas din ang Vaccination rate sa Region 2 maliban lang sa Nueva Vizcaya na nakapagtala ng mababang antas ng bakunahan.
Pumalo naman sa 70% ang kabuuang bilang ng Vaccination rate sa Region 6 habang nasa 73% naman ang kabuuang bilang ng senior citizens o A2 sector.
Iginiit ni Cabotaje na ang ika-4 na Bayanihan, Bakunahan ng pamahalaan ay makakatulong para maibaba na sa Alert level 1 at umangat ang Vaccination rate sa mga nabanggit na Rehiyon. —sa panulat ni Angelica Doctolero