Lusot na sa Ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang tatlo pang panukalang batas na layong magbigay proteksyon sa mga manggagawang Pilipino.
Ito ay ang House bill 988 o Increasing the Service Incentive Leave of Workers Act; House Bill 924 o Barangay Skilled Workers Act at HB 227 o Caregivers Welfare Act.
Ayon kay House Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal Rep. Fidel Nograles, mapapalakas ng mga naturang panukala ang sektor ng paggawa sa sandaling maisabatas.
Sa ilalim ng HB 988 ay doble na ang service incentive leave na maaaring makuha ng mga manggagawa kada taon.
Ang HB 924 naman ang bubuo ng Barangay Skilled Workers Registry na magsisilbing voluntary repository ng skilled workers’ information.
Ang HB 277 ay pagtiyak na mabibigyan ng maayos na employment ang mga caregivers samantala ang HB 454 ay para masiguro ang maayos na working conditions ng mga media workers.
Samantala, bukod sa nabanggit na mga panukala, mayroon pang dalawang Labor Bills ang nakabinbin sa Kamara na nasa ikalawang pagbasa. —sa panulat ni Hannah Oledan