Tatlong panukalang batas na may kinalaman sa pagbabalik ng parusang kamatayan ang inihain sa Senado ni Senador Manny Pacquiao
Una rito ang pagpapataw ng habang buhay na pagkakakulong hanggang sa parusang bitay para sa mga mapatutunayang gumagamit, nagtutulak protektor at operator ng iligal na droga sa bansa
Parusang bitay din ang ipapataw para sa sinumang mahuhulihan ng Marijuana na hindi bababa sa 500 gramo habang hindi naman bababa sa 10 gramo para sa shabu, morphin at opium
Sa ikalawang panukala, pinababalik din ng Senador ang death penalty para sa mga kasong kidnapping at illegal detention
Habang buhay hanggang sa bitay naman ang parusa sa mga mapatutunayang nanghalay o sangkot sa panggagahasa ang sa ikatlong panukala
Sa ibinigay na paliwanag ni Senador Pacman, sadyang inihiwalay ang 3 panukala upang matutukan ito sa panahon ng debate
By: Jaymark Dagala / (Reporter No. 19) Cely Bueno