Itinalaga ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang tatlong pari upang pamunuan ang “public affairs” sa Archdiocese.
Pinangalanan ng arsobispo ang tatlong pari na sina, Manila Cathedral Rector, Fr. Reginald Malicdem, bilang tagapagsalita ng archdiocese.
Hinirang din si Nuestra Señora De Perpetuo Socorro Parish Priest Fr. Jerome Secillano bilang pinuno naman ng ministry on public affairs.
Samantala, papalitan naman ni Fr. Enrico Martin Adoviso si Msgr. Hernando Coronel, bilang pinuno ng ministry on socio-political advocacy – katawan na nangangasiwa sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting. -sa panulat ni Mara Valle