Ang kinatawan ng 1-Pacman Partylist Group ang pinakamayamang miyembro ng Kamara de Representates samantalang pinakamahirap naman ang kinatawan ng Kabataan Partylist na si Sarah Jane Elago.
Batay ito sa SALN o Statement of Assets Liabilities and Networth ng mga kongresista nitong 2016.
Si 1-Pacman Partylist Representative ay mayroong neto na mahigit sa 7 bilyong piso samantalang si Elago ay mayroong neto na P50,000 lamang.
Halos 1.5 billion pesos naman ang neto ng sumunod na pinakamayang kongresista na si Diwa Partylist Representative Emily Aglipay Villar, asawa ni DPWH Secretary Mark Villar.
Ang iba pang pasok sa unang sampung pinakamayaman sa Kongreso ay sina Congressman Alfred Benitez, 942 million, Congresswoman Imelda Marcos, 917 million pesos, pang-lima si Cong. Feliciano Belmonte, 852 million pesos, pang-anim si Manila Teachers Partylist Representive Virgilio Lacson, 768 million pesos, Cong. Bayani Fernando, 738 million, Congresswoman Vilma Santos, 522 million, Cong. Antonio Floreindo, 491 million at pang-sampu si Congresswoman Yedda Marie Romualdez na may netong 477 million pesos.
Nabitin naman sa ika-labing isang pinakamayamang kongresista si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na mayroong neto na 434 million pesos.
By Len Aguirre | (Ulat ni Jill Resontoc)