Patay ang tatlong indibidwal habang isa ang sugatan sa isang shooting incident na naganap sa C5 Katipunan Avenue, Quezon City.
Ayon sa opisyal ng Ateneo de Manila University, kabilang sa mga nasawi ang mayor ng Basilan, bodyguard nito at isang Ateneo security guard.
Nasa kritikal na kondisyon naman ang anak ng nasabing alkalde.
Samantala, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek.