Tatlong katao ang patay, 15 ang nawawala at 14 ang sugatan matapos bumagsak ang isang tulay sa Brazil.
Batay sa ulat, bumigay ang tulay sa lungsod ng Careiro, 100 kilometro mula sa Maus, ang provincial capital.
Ang mga nasabing biktima ay sakay ng kanilang mga sasakyan nang bumigay ang naturang tulay.
Ayon sa mga saksi, ang naturang tulay ay may bitak na nagdulot ng matinding traffic bago mangyari ang naturang insidente.
Wala pa umanong pahayag ang kanilang gobyerno tungkol sa pangyayari.