Patay ang tatlong indibidwal kabilang ang isang bata habang 17 ang sugatan matapos pasabugin ng Russia ang isang maternity hospital sa Mariupol, Ukraine.
Ito’y sa gitna ng giyera sa pagitan ng nasabing bansa.
Ayon kay Russian Defense Ministry Spokesman Igor Konashenkov, ang naturang airstrike ay isa lamang paghahamon at walang ganap na misyon para targetin ang mga sibilyan.
Tinawag naman ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy ang pag-atake ng Russia bilang patunay na nagaganap ang maramihang pagpaslang (genocide) sa mga sibilyan.
Sa kabuuan, pumalo na sa pitumput isang mga bata sa Ukraine ang nasawi. -sa panulat ni Airiam Sancho