Tatlo ang naitalang nasawi habang dalawa naman ang sugatan sa naganap na sunog sa senior apartment building sa Kenosha, Southern Wisconsin.
Ayon kay Kenosha Fire Chief Christopher Bigley, napuno ng usok ang nasabing gusali kung saan, gumamit na ng ladder trucks ang mga bumbero para iligtas ang mga biktimang natrap sa nasusunog na gusali.
Sa ngayon, nagpapagaling na sa ospital ang mga nareskyung biktima habang patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang dahilan ng insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero