Nasawi ang tatlo tao, habang dalawa ang sugatan sa banggaan ng tatlong motorsiklo at isang sasakyan sa Carcar City sa Cebu.
Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, huminto si Trisia Monter upang tulungan sina Ian Flores at Alison Santos na una nang nadisgrasya sa kalsada.
Habang tumutulong siya, dumaan ang isang sasakyan na nauwi sa banggaan at matinding pinsala sa mga biktima.
Samantala, hawak na ng pusliya ang suspek na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicides at damage to property.