3 bata ang patay habang 2 ang sugatan matapos ang landslide sa Mandulog, Iligan City sa Lanao del Norte.
Nangyari ang insidente matapos tumama ang lakas ng ulan sa naturang lalawigan kung saan lahat ng miyembro ng pamilyang barulan ay nasa loob ng bahay.
Ayon kay Mandulog Barangay Captain Abungal Pagsidan Cauntongan, kinilala ang mga magkakapatid na biktima na Sina Shemabel, 7 months old, Trisha Mae 3 taong gulang, John Kent 6 na taong gulang, Sean, 4 na taon at CJ Barulan.
Habang sina Shiela Mae Barulan , 26 na taong gulang at Jessie Barulan 24 na taong gulang.
Dagdag ng kapitan, nasa 8 bahay ang nasira ng naturang landslide kasama ang bahay ng Barulan family.