Patay ang tatlong indibidwal habang sugatan naman ang dalawang iba pa sa panibagong shooting incident sa isang gun store sa New Orleans sa Estados Unidos.
Ayon kay Sheriff Joseph Lopinto, unang pumasok ang isang lalaki sa Jefferson Gun Outlet at pinagbabaril ang dalawang empleyado bago mabilis na tumakas.
Hinabol naman ng iba pang mga kawani ng gun shop ang suspek at napatay sa car park sa labas ng gusali.
Inaalam pa ang motibo sa naturang pamamaril.