Tatlo na ang kumpirmadong nasawi, tatlo ang nasugatan habang isa ang nawawala dahil sa matinding pagbaha sa Cagayan De Oro City.
Ito ang kinumpirma ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad.
Umaabot naman sa higit 800 pamilya o katumbas ng halos 4,000 katao ang nasa evacuation center.
Sa kasalukuyan, ayon sa NDRRMC o National Disaster Risk Reduction & Management Council, maaraw na sa Cagayan De Oro City at nadadaanan na ang mga kalsadang binaha.
Hindi pa anila kailangan doon ang ayuda ng national government dahil kaya pang rumesponde ng lokal na pamahalaan at mga lokal na ahensya.
NDRRMC nagtaas ng flood alert
Nagtaas ng flood alert ang NDRRMC sa bahagi ng Visayas, Southern Luzon at Northern Mindanao dahil sa matinding pagbaha.
Ito’y matapos ihayag ng PAGASA na nalusaw na ng low pressure area sa East Northeast ng Zamboanga City.
Kabilang sa mga lugar na posibleng bahain ay ang Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Bicol at gayundin sa Western, Central at Eastern Visayas
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal