Tatlo ang nasawi habang lima ang sugatan dahil sa matinding pag-ulan at malakas na hangin dulot ng habagat.
Base sa inilabas na ulat ni NDDRMC Mark Timbal, dalawa sa mga nasawi ay tinamaan ng kidlat habang ang isa naman ay nabagsakan ng punong kahoy.
Ayon kay Timbal na nasa mahigit apatnapu’t apat na indibidwal ang inilikas na nasa evacuation centers nationwide.
Samantala, nagpaalala naman ang NDRRMC sa publiko na mag-ingat dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan sa mga susunod pang araw.