Nasawi ang tatlong katao habang anim ang sugatan sa naganap na pagsabog sa dalawang Russian air bases sa Ryazan sa timog-silangan ng Moscow.
Ayon kay Roman Bursagin, Governor ng Saratov, tiniyak niyang walang naitalang nasira na imprastraktura at sinusuri pa ng mga ahensya ang mga pasilidad ng militar.
Aabot sa 730 kilometers ang Engels Base sa timog-silangan ng Moscow at isa ito sa dalawang madiskarteng bomber base na nagtataglay ng “air-delivered nuclear capability” ng Russia.
Samantala, mayroong 60 hanggang 70 strategic bomber planes ang Russia kung saan parehong may kakayahang magdala ng mga nuclear bomb at nuclear-armed cruise missiles. —sa panulat ni Jenn Patrolla