Patay ang tatlo katao habang sugatan ang tatlong iba pa matapos mabangga ng truck ang sinasakyan nilang tricyle sa New Lucena, Iloilo.
Kinilala ng New Lucena PNP ang mga nasawi na sina, Angelito Somblingo, 39-anyos, driver ng traysikel; anak nitong 14-anyos na lalaki; at pamangkin nitong 10- taong gulang.
Sugatan naman sina Hilda Somblingo, 48- anyos, Mars Somblingo, 19- anyos; at isang 10- taong gulang na batang babae.
Ayon sa mga otoridad, patungo sanang Passi City ang trike nang makasalubong nito sa bahagi ng kalsada ang isang trak.
Dahil sa bilis ng takbo ng traysikel at lakas ng impact, tumilapon sa kalsada ang mga sakay nito.
Patuloy na ginagamot sa ospital ang tatlong sugatan.
Habang nasa kustodiya na ng New Lucena PNP ang truck driver.
Hinihintay pa ng mga awtoridad ang magiging desisyon ng pamilya ng mga biktima kung magsasampa ng kaso laban sa driver.