Umabot na sa 6 ang naitalang nasawi kabilang na ang tatlong bumbero at mga pulis habang 33 naman ang patuloy na nagpapagaling sa ospital kabilang na ang limang nasa kritikal na kundisyon matapos ang tatlong sunod-sunod na pagsabog sa kabisera ng Uganda.
Ayon sa Uganda government, ilang mga sasakyan ang nagliyab habang ilang mga bahay naman ang nawasak sa naganap na pagsabog.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad na pinangunahan ni Police Spokesperson Fred Enanga, isang suicide bomber ang may suot na backpack na pinaniniwalaang miyembro ng islamic state-aligned Allied Democratic Forces.
Sa ngayon, wala pang grupong umaako sa naganap na pagsabog.