Tatlo katao ang nasawi habang sugatan ang higit apatnapung (40) pasahero matapos na mahulog sa tulay ang isang bus sa Tanauan, Leyte kaninang madaling araw.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Tanauan Police, pasado alas-12:00 kanina nang mangyari ang aksidente sa barangay Buntay.
Patungo umano ng Davao City ang Philtranco Bus na mula sa Maynila nang mahulog ito sa dinadaanang tulay.
Tinukoy naman ng nakaligtas na bus na may isang lalaking psahero ang umagaw ng manibela dahilan para mawalan ng kontrol sa bus at mahulog ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang tunay na bilang at ang pangalan ng mga apekatadong pasahero.
—-